Posted by: apollo10 | November 5, 2008

Sa Misa

Sa Misa
ni Randell A. Suba

Sumasainyo ang Panginoon.
Maganda ang dilag na nasa may poon.

Ito ang salita ng Diyos.
Wala pang kasama’t mukhang nalulungkot.

Dinggin natin ang homilya.
Makalapit na nga’t matabihan siya.

Bago matapos ang hapunan…
Sa kanyang pag-uwi, siya’y sasabayan.

Ito ang katawan ni Kristo.
Bahala na ang Diyos: “Ano’ng pangalan mo?”

Humayo kayong mapayapa.
“Salamat sa Diyos,” ang kanyang winika.


Leave a comment

Categories