Posted by: apollo10 | November 25, 2008

love qoh

na hack ko YM at FS nya

password nya pla, name ko

Posted by: apollo10 | November 5, 2008

Sa Misa

Sa Misa
ni Randell A. Suba

Sumasainyo ang Panginoon.
Maganda ang dilag na nasa may poon.

Ito ang salita ng Diyos.
Wala pang kasama’t mukhang nalulungkot.

Dinggin natin ang homilya.
Makalapit na nga’t matabihan siya.

Bago matapos ang hapunan…
Sa kanyang pag-uwi, siya’y sasabayan.

Ito ang katawan ni Kristo.
Bahala na ang Diyos: “Ano’ng pangalan mo?”

Humayo kayong mapayapa.
“Salamat sa Diyos,” ang kanyang winika.

Posted by: apollo10 | November 2, 2008

HUMABOL

Last November first was kinda traumatic
I was at the hospital
And the few times that I went inside a hospital
E may namamatay

Paano ba naman, yung bf (bestfriend) ko
met an accident
pero hindi naman malala
konting gasgas and minor concussion
(thank God)

Hindi yung nangyari sa kanya
ang ikina-depress ko
pero yung nangyari
sa isa pang pasyente
sa emergency room
habang linilinis sugat nya
yun ang nakakafreak out

It’s not because I’m queasy at the sight of blood
actually, fan nga ako ng CSI and House
at kaya kong kumain habang pinapanood yun

Pero yung pasyenteng isinugod
Looked like a construction worker
(based on his uniform)
who met an accident
nadaganan yata ng kung ano
kasi kalat kalat yung dugo at legs nya

Hindi agad naibaba sa ambulance yung patient
Kasi di sila agad nakapaglabas nung kamang may gulong
And when they transferred the guy on the bed
Muntik pa nilang mahulog

I closed the curtains nung cubicle
Kung saan kami naroroon
Pero dahil naintindihan ko
Yung medical terms na sinasabi nung mga doctor
And the situation was critical
And there was nothing I could do about it
So I decided to exit muna the building

While outside,
Making phone calls to several people
To calm myself down,
Nasulyapan kong
Tinatakpan na ng puting kumot
Ang pobreng obrero

I just hate that feeling
Standing there, unable to do anything
I felt so helpless
So unempowered

Paano na kaya pamilya nya?
Malamang may asawang mangungulila,
May mga anak (or apo)
Na mawawalang ng source of income

Pero ano pa nga ba ang magagawa ko?

Ika nga ni Curtis “50 Cent” Jackson
Sa kanyang kantang Gotta Make It To Heaven
Sa album na Get Rich or Die Tryin
Lord, grant me the serenity
to accept the things I cannot change
the courage to change the things I can,
& wisdom know the difference.

At yun din halos ang sinabi
Ng isa sa mga nakausap ko
Sa phone habang
Pinakakalma ko sarili ko

Ipinagdasal ko na lang
Na sana’y kaawaan ng Diyos
And kaluluwa
Ng obrerong humabol
Sa pagdiriwang ng undas
Para he can Make It To Heaven

Gotta Make It To Heaven – 50 Cent

Categories